Wednesday, August 4, 2010

School boy







we decided na ipasok si jigs sa school pero sa center lang na malapit sa amin. dahil 3 yrs old pa lang naman siya at baka biglang ayaw naman pumasok.

at first may duda talaga ako na baka nga hindi niya magustuhan. pero hindi naman ito ang first time niyang makapasok sa school. last december at pinasok ko siya sa isang tutorial center, kaya lang sobrang konti lang sila, minsan mag-isa lang siya. hindi niya nagustuhan kasi wala naman daw taon dun kundi siya. every saturday lang naman yun. so hindi na namin tinuloy. 1 month lang siya nakapasok.

then, nung summer, nakita ko ang ads ng kids ahoy, sa may quezon city, medyo malayo sa amin pero ok na din. every saturday lang din naman ito. pinasok ko siya sa toddler club. nung un hindi siya nagpaparticipate. pero nung mga sumunod, nakita ko ng nag enjoy na siya. tinapos lang namin yung 4 sessions dun.

kaya naman pinasok na namin siya sa center, medyo nag alangan ang teacher kasi 3 years old pa lang daw. pero pumayag na din naman siyang mag saling pusa si jigs. pero sa nakikita namin ay parang hindi na saling pusa eh, kasi nag paparticipate na talaga siya. as in sumasagot siya sa teacher. masipag din naman pumasok. nakakatuwa din yung namimili kami ng school supplies para sa kanya. ang bilis kasi ng panahon eh. kelan lang ay gamit ng babay ang kailangan namin, ngayon school supplies na. :)






2 comments:

  1. Hi Momai,

    Ang saya naman ni Jigs, mukhang enjoy na enjoy siya pumasok sa school (judging by his pictures in his uniform). Nagkaroon ba siya ng separation anxiety at all ? Maski nung pinasok nyo siya sa tutorial center ?

    Some days, na e excite na akong pumasok sa school yung baby ko, lalo na't pag makulit at pagod na pagod na ako. Pero pag naiisip ko, parang gusto kong umiyak sa lungkot :D Ma mi miss ko siya!

    Jean (n@wie)

    ReplyDelete
  2. hi Jean!

    ngayon lang ulit nakabukas nito kaya late ang sagot ko. sorry. :)

    tama ka, nag-eenjoy siya sa school. kaka-3 yrs old pa lang niya yan. nung pinasok ko siya sa tutorial center, twice ko siya naiwan dun. wala kaong yaya that time so nakakapaglinis ako sa amin. tapos nawalan siya ng gana kasi minsan 3 lang sila at minsan nga siya lang mag-isa. so nung niyaya ko na ulit siyang pumasok ayaw daw niya at wala naman daw tao dun. :)

    nung summer sa kids ahoy kami pumasok, every sat lang din. dun kami sa saturday play club. 4 sessions lang kami pero nag-enjoy din talaga siya. madami kasi silang activity dun kahit 2 hours lang klase. ok din dun sa kids ahoy.

    ngayon naman, sa center, ok din siya. parang supervisor nga lang dahil lakad ng lakad. pero sabi naman ni yaya na pag nagsasalita/nagtuturo si teacher nakikinig naman daw. pag tinanong siya, nakakasagot naman daw. wala naman siya separation anxiety. dahil nung ako ang naghatid sa kanya, naiwan ko naman sa loob. basta nakikita niya ako sa labas ay ok na din sa kanya. minsan leave ako pero hindi ako makakasama sa school, akala ko hindi siya papasok. pero mali ako, pumasok siya kahit hindi ako ang maghatid sa kanya. natuwa ako sa kanya. kasi parang kaya na niya talaga.

    naku napahaba ata ang sagot ko.:)

    ReplyDelete