Wednesday, June 16, 2010

Conversation with Jigs

While i was browsing my email, nakita ko itong email na naipost ko sa e-group ko. Last April 2010 lang ito nangyari.

hi! gusto ko lang i-share sa inyo yung conversation namin with jigs. sobrang nagulat kasi ako sa tanong niya eh. kaya medyo natagalan bago ako nakasagot sa kanya.

while watching mickey mouse clubhouse, biglang nagtanong si jigs:

jigs: mama, bakit niyo ko ginawa?
momai: ano?
jigs: bakit niyo ko ginawa?
momai: nino?
jigs: si daddy at ikaw

hindi ako nakasagot kasi nagulat talaga ako....tinawagan ko si hubby at tinanong ko siya kung may binanggit siya kay jigs tungkol sa ganun. wala naman daw. pauwi na din daw siya para sagutin si jigs...

momai: anak, binigay ka sa amin ni papa Jesus
jigs: bakit naman ako sa inyo binigay? mama, san mo naman narinig yan?

dumating na si hubby...

hubby: anak, mahal ka kasi namin ..

niyakap kami ni jigs at nag-kiss sa amin. salamat at tinanggap naman ang sagot. nasa stage kasi siya ngayon ng puro bakit eh...

hindi ko talaga alam kung san niya yun nalaman or narinig. kasi alam ko hindi siya nakakapanuod ng mga teleserye kasi nakikipagtalo pa siya pag hindi siya nakakapanuod ng playhouse disney. alam ko din naman magtatanong siya ng ganun pero nagulat lang ako na ngayon na pala yun.

dapat pala naka-ready na din ang mga sagot natin sa kahit anong itanong nila.

Preparing/checklist for Jigs' 3rd birthday

ang original plan talaga for his 3rd birthday ay sa house lang ulit gagawin. pero last November 2009, nagkaron ng malaking accident kay Jigs na until now ay nakikita pa din namin sa katawan niya. nabuhusan kasi siya ng 1 cup of coffee, na bagong kulo. kaya nung nalampasin namin yun, sabi ni hubby magparty ulit si Jigs.

Syempre January pa lang nag nagpa book na kami sa Jollibee. para makuha naman namin yung gusto naming time. here are the details.

Theme: Jollitown with Mickey Mouse Clubhouse
Venue: Jollibee Ortigas roosevelt (dito din siya nag party nung 1st birthday niya)
Photographer: Sophia Photography
Prizes/Lootbags: Divisoria/ Tita Monet /SM Supermarket
Decorations: Razzle Dazzle Party
Guestbook: c/o Ninang Amie
Outfit: hanap pa kami
Video: hanap pa din kung meron pwedeng magkuha...kulang na sa budget eh

ito na ang naayos namin. konti na lang ang kulang. Excited na din Jigs at nag-iisip na siya kung sino ang mga bibigyan niya ng invitations.

My birthing experience last July 2007

Just want to share my birthing experience....

Date of delivery and on what week of pregnancy
July 11, 2007
37 weeks

Type of delivery (Normal or CS)
Normal Delivery

Place of birth(name of hospital)
VRPMC (former Polymedic)
33,000Inclusive of OB, Pedia and Anes PFs

My Wonderful Journey..Konting kwento muna ha...

November 2006- Honeymoon baby kasi si baby Jigs ko eh. November ako nagconceive and november din ako nagkabulutong (after ng wedding). so natakot ako nung nalaman ko na buntis pala ako kasi baka may epekto un kay baby.

March 2007- 5 months pregnant ako. nagkadischarge ako. parang brownish na parang pink. so next day pacheck-up agad kay OB. bumaba daw ang placenta ko. so dapat konting ingat. ang ginawa namin laging may pillow sa may balakang ko pag matutulog.

June 22, 2007 @ 33 weeks- sumakit ang puson ko. sabi ko baka napagod lang ako. so nagpahinga ng maaga.

June 23, 2007- di ako nakapasok sa office kasi di nawala ang sakit. nagpacheck up ng umaga, sabi ni OB 1cm na daw ako. binigyan ako ng gamot, kapag daw di nawala ang sakit, magpadala na daw ako sa ospital at magpaconfined. eh hindi nawala nung hapon, every 5mins ang contractions. 7pm dinala na ako sa ospital, diretso na sa delivery room. syempre di nawala ang question and answer portion. dinala na ko sa labor room, kinabitan ng fetal monitor at IV. nilagyan na din ng gamot. pero di tumalab ang gamot. sobrang sakit pa din ng puson ko. tinawagan nila ang OB ko at may ibang gamot daw na ilalagay sakin.

June 24,2007- 6am- wala pa akong tulog. after mabigay ang gamot dinala ako sa MICU. kailangan ko daw bed rest. pero nawala na yung contractions. matapang daw yung gamot na un eh, nilagyan na din ako steroids para daw kung lalabas si baby may protection ang lungs nya. nung nasa MICU ako, may kumausap from nursery, sabi nya na wala daw available na incubator if ever na ilabas ko si baby nun. natakot ako. during kasi nung nasa labor room at Micu ako,wala akong ginawa kundi kausapin si baby. sabi ko wag muna siya lalabas kasi wala siya hihigan. natakot ata kaya nawala ang contractions.

June 25- nag discharge na kami. salamat naman. sabi lang ni OB na hintayin lang namin na mag 36 weeks at ok na lumabas si baby. basta mag July 10 daw pwede na. June 25-July 10- di na ko pumasok, nag leave na ako. di pwedeng umalis ng bahay. lagi ko pa din kinakausap si baby na wag muna lalabas at konting antay na lang.

July 10-check up ko na. binigyan na ko ni OB ng go signal na pwede na manganak. nung gabi masakit na ang tiyan ko pero sabi daw sa balakang daw ang sasakit. di ko pinansin.

July 11 4am- nagising ako para mag-cr. may discharge ako. ginising ko si hubby at tinawagan ang sister ko. sabi ni sister orasan daw kung may sasakit at aasikasuhin nya muna ang mga anak na papasok sa school.

6am- tinawagan ko ulit ang sister ko, sabi ko masakit na tiyan ko. gusto ko punta sa ospital. sabi niya maligo na daw ako at maghanda na. e di ko pa naayos ang dadalhin kong gamit sa ospital. kaya pagkaligo ko, tsaka lang naglagay sa bag ng mga gamit ko. sabi ni hubby ano daw ba ang ginagawa ko, sabi ko nag aayos ng gamit. nagtaka siya kasi nagawa ko pa daw yun.

7am- nagpunta na kami sa ospital, deretso na delivery room ulit. 4cm na pala ako. lahat na ng tanong naitanong na sa akin. kaya ko pa naman ang pain. kinabitan na din ako ng fetal monitor.

11am-dumating si OB, ni-IE ako. 5cm na daw. nirupture na din ang water bag ko at nilabatiba na din ako (ang hirap pala nito).

12nn-5cm pa din ako. kaya ko pa din yung pain. sabi ko sa resident OB kung gaano ba katagal bago mag 10 cm...sabi niya 1cm/hour daw madalas...nagbilang ako, ang tagal ko pa.

1pm- 6cm na. sabi hay salamat at malapit na din. dito medyo masakit na talaga. kinausap ko ulit baby ko. sabi ko sa kanya na itulak nya na yung sarili niya para makalabas na siya kasi masakit na talaga.

1:30 pm- kinausap na ko ng Anes, bibigyan na daw niya ako ng epidural para mabawasan ang sakit. kaya lang parang di tumalab kasi di nawala ang sakit.

2pm- sabi ko masakit na talaga, nung ni-IE ako, 10 cm na pala.tinawagan nila agad yung OB ko kasi daw manganganak na ako. dinala na din nila agad ako sa delivery room. after 15 mins, dumating na yung OB ko. naging kampante na ako. tapos pinag push nila ako, 2nd try ko na magpush lumabas na si baby. ang bilis lang. exactly 2:46 pm. ang sarap nga ng feeling na makita si baby pagkatapos ng matinding irehan. at sobrang happy kami ni hubby dahil after ng dinanas namin ni baby, nakaraos kami at parahas kaming healthy ni baby.

Tuesday, June 15, 2010

first post....

you can visit this blog to know more my wonderful life...of course with my whole family, with my husband and my son.

test

test