Wednesday, June 16, 2010

Conversation with Jigs

While i was browsing my email, nakita ko itong email na naipost ko sa e-group ko. Last April 2010 lang ito nangyari.

hi! gusto ko lang i-share sa inyo yung conversation namin with jigs. sobrang nagulat kasi ako sa tanong niya eh. kaya medyo natagalan bago ako nakasagot sa kanya.

while watching mickey mouse clubhouse, biglang nagtanong si jigs:

jigs: mama, bakit niyo ko ginawa?
momai: ano?
jigs: bakit niyo ko ginawa?
momai: nino?
jigs: si daddy at ikaw

hindi ako nakasagot kasi nagulat talaga ako....tinawagan ko si hubby at tinanong ko siya kung may binanggit siya kay jigs tungkol sa ganun. wala naman daw. pauwi na din daw siya para sagutin si jigs...

momai: anak, binigay ka sa amin ni papa Jesus
jigs: bakit naman ako sa inyo binigay? mama, san mo naman narinig yan?

dumating na si hubby...

hubby: anak, mahal ka kasi namin ..

niyakap kami ni jigs at nag-kiss sa amin. salamat at tinanggap naman ang sagot. nasa stage kasi siya ngayon ng puro bakit eh...

hindi ko talaga alam kung san niya yun nalaman or narinig. kasi alam ko hindi siya nakakapanuod ng mga teleserye kasi nakikipagtalo pa siya pag hindi siya nakakapanuod ng playhouse disney. alam ko din naman magtatanong siya ng ganun pero nagulat lang ako na ngayon na pala yun.

dapat pala naka-ready na din ang mga sagot natin sa kahit anong itanong nila.

No comments:

Post a Comment