Share ko lang.
Dapat talaga ay sa bahay lang magkaron ng small party para sa 3rd birthday ni jigs. Pero after nung maaksidente siya last November 2009, nung natapunan siya ng mainit na kape, sabi ni hubby na magparty kami ulit na para na ding thanksgiving namin at naging ok naman na si jigs.
Tinanong namin si jigs, gusto daw niya ay Jollibee party. So Jollibee ulit kami. Gusto din sana ng cars or elmo na theme, pero nung tinanong ko siya, ang gusto pala niya ay mickey mouse clubhouse.
Ito po ang some kwentos:
Venue: Jollibee Ortigas Roosevelt
Theme: Jollitown and Mickey Mouse Clubhouse
Ito ulit ang pinili naming branch dahil maluwag talaga ang rooms dito. Dito din kasi nag 1st birthday party nun. Medyo late na kami nakapag start dahil medyo matagal umalis yung naunang party sa amin. 4-6 ang slot naming, parang 3:30 na nakaalis yung mga nagparty. Buti na lang at wala naman kami kasunod na magparty at hindi kami mamadaliin. Isa pang naging problem ay yung time na magbabayad na kami kasi medyo matagal na-process. January pa kami nagpareserve para makuha yung gusto naming time slot. Nung natapos ang party at magbabayad na kami, ang tagal bumalik ng crew, yun pala may problem sa pag retrieve ng data. 3 months lang daw pala ang kaya maretrieve na data nung computer nila. Medyo hindi naman nasabi sa amin, ang sabi lang ay may konting inaayos pa sa baba, paki antay na lang daw namin. Kung di pa kami bumaba ay hindi namin malalaman na ganun pala ang problem. Eh hindi na namin maantay pa kung ano ang solusyon nila, kasi nag-aantay din sila ng sagot. Basta nagbayad na lang kami at nanghingi na lang ako ng note na bayad na ako. Kaya wala akong resibo na nagbayad na kami.
Pero ok naman lahat, pati ang mascot, yung nag-jollibee nung 1st bday ng ni jigs ay siya ulit ang mascot naming nung 3rd bday niya. Basta sabi ko sa kanya na dahan dahan lang kay jigs kasi medyo takot. Ang galling pagdating niya, nakipag kay jigs..ayun nawala ang takot sa mascot. 2 ang mascot naming kasi yun din ang request ni jigs, pero natakot talaga siay kay yum, kasi daw 1st time niyang makita in person kaya hindi niya malapitan. Pero at least nawala ang takot kay Jollibee. Sa food, ok din naman, maaga naman na-prepare lahat kaya walang nag-antay ng matagal para makakain.
Ang kinuha lang namin sa Jollibee ay cakes at yung mga name tags at party hats, pati pala invitations.
All in all ay ok naman ang Jollibee Ortigas Roosevelt for us.
Balloon Decorations/pillars/ standees/welcome banner:
razzle dazzle party
razzledazzleparty.multiply.com
si ms. Lani ay nawie din. Hi sis! Nakita ko na nagpost siya nun ng first party niya. Syempre nag-inquire ako. Yun pala may promo siya that time. Ang mura talaga ng binigay niya sa akin. Sinabi ko din kasi sa kanya na maliit lang ang budget ko as in super liit lang. napagkasya naman niya. Ang galling.
Ang cute ng standee ni jigs. Tuwang tuwa ang mga bisita namin at aliw aliw dun sa standee. Pati si jigs nung pag-uwi namin. Pinaglalakad niya yung standee J
Medyo nahirapan nga lang siya kasi nga late na umalis na naunang nagparty sa amin. Pero ang bilis nila, kasi natapos din nila agad. Kwento pa nga niya na may mga kumukuha ng balloons na hindi naman naming kilala. Ang kinuha kasi naming ay yung mickey head at round na pang hanging balloons na hindi ko na nakita after ng party, kasi inuwi na din ng mga bisita namin.
Ang ganda din ng welcome banner. Nakakatawa kasi tinanong niya ako kung ano ang ilalagay, hindi ko talaga alam ang sagot. Sabi niya siya na daw mag-iisip kung ano ang magandang ilagay. Nakita ko sa email niya na mag 12am na niya na email yung standee at banner. Nakakahiya kasi napuyat ko pa siya. Pero pagkakita agad ng banner at standee, napangiti ako kasi ang cute parehas.
Ang galing ni ms. Lani at ng theme niya. Ang dami pa niyang bigay na walang ng charge…
Thanks ulit ms lani…
Photographer- Sophia photography
Package – 3500, 2 photographers
Ok talaga kausap si Erwin. Ang kulit sa text. Last November ko pa talaga siya kinukulit. Buti at maaga din ako nagpa-booked sa kanya kasi nag-increase na sila ng rates.
Ang pinapunta niya ay sina Nats at Jikoy. Ang galling ng 2 taong ito. Aliw ako sa kanila. Sinabihan ko sila na medyo malikot kuhanan ang anak ko at ayaw mag smile. Sabi naman na sanay na daw sila sa gnaun. Si jigs talaga nung party niya at takbo ng takbo pero nakuhanan pa din. Sunod ng sunod si nats sa kanya na nakakababa sa legs niya ang camera, yung bang tatapat kay jigs, tapos click lang siya ng click. Naaliw talaga ako. Sa tingin ko ay madami silang nakuhang shots. Hindi nga ata nila naubos yung food nila kasi nung pinakain ko na sila, biglang pumasok naman si Jollibee, tapos nakit ako sila na tumatakbo papasok, kaya niwan nila yung food nila. Bingyan naman naming sila ng take home na food at sundae para makabawi J
Ito po yung ibang mga shots…
http://sophiaphotography.multiply.com/photos/album/838/Jigs_barrameda_-_july_11 http://sophiaphotography.multiply.com/photos/album/846/Jigz_-_by_jix_-_july_11Thanks Nats and Jikoy…thanks Erwin..:)
Guest book – c/o Ninang amie
Syempre maganda ang guestbook. Labor of love eh. Nag email lang ang picture sa kumara ko, tapos bahala na siya kung anong lay-out. Sinabi ko lang na mickey mouse clubhouse ang theme. Dala na niya yun nung dumating siya sa party. May iba lang na hindi nakapirma kasi hindi ko pa naiikot at wala din akong nasabihan, pero ok lang kasi makikita ko pa naman yung mga taong yun eh.
Thanks Ninang Amie
Thank you card – c/o Ninang Angie
Nawie din ito. Hi Mare! Ang cute nung lay-out. Hindi naming naikabit sa labas ng lootbag kasi baka daw malukot lang pag pinagsama sama naming ang mga lootbags. Pinagkasya lang kasi naming yung sa 3 bags eh. Ginawa na lang naming parang bookmark.
Thanks Ninang Angie
Lootbags/piñata/additional prizes
Divisoria and SM Hypermart
Nagpatahi ako sa kapatid ko ng drawstring na bags. Ito ang ginawa kong lootbags. 4 na colors ang pinagawa ko, red, blue, yellow at green. Ito din kasi ang kulay ng balloons at ng mickey mouse clubhouse.
Thanks Tita Monet
konti lang ang nabili naming prizes sa divisoria. Pero ok na din naman. Dumami din naman nung naisama sa prizes ng Jollibee.
Medyo nagkamali ako sa piñata kasi sinamahan ko pa ng clover bits at moby na caramel puff. Medyo hindi medaling lumabas sa piñata kaya inalog alog pa ni Jollibee. Natakot pa ako kay Jollibee kasi nakatungtong siya sa silya, tapos nung inalog niya, tumatalon talaga siya. Baka kasi mahulog siya sa silya eh. Buti at hindi naman. Natuwa din naman ang mga kids kasi kagulo talaga sila.
Tinulungan na lang ako ng MIL at SIL sa pag-ayos ng lootbags. Pati din pala si hubby at jigs syempre. Ang bait ni jigs, hindi niya talaga ginawa ang mga lootbags at yung piñata.
Thanks mommy Lola and Ninang Cindy
Attire- T-shirts from digigifts
digigiftsph.multiply.comdapat din ay bibili kami sa greenhills ng tshirts namin. pero pag punta namin dun ay walang tiangge. baka kung aantayin ko pa sila ay wala naman kaming makita na pwede naming suotin kaya naisip naming magpagawa na lang. pero syempre, naisip ko, ilang days na lang bago mag-birthday si jigs, may tatanggap pa kaya ng orders namin? less than a week n lang kasi eh, pero 3 shirts lang ang kailangan ko. buti naalala ko yung digigifts, dito ko din nakita yun sa
n@w eh. text ako agad sa kanila, buti at kaya naman daw nila. sila na din ang nag-lay out, sabi ko lang mickey mouse clubhouse lang ilalagay. nung sinabi niya na na-email na niya an glay-out, nag check kami agad ni hubby. ang ganda naman daw sabi ni hubby, so ipa-go ko na daw. lahat ng communication namin ay text lang. ang galing din nila. ang bilis di magawa. kinuha na lang namin sa store nila sa greenhills bago ang day ng bday ni jigs. buti at sakto ang sizes sa aming 3. actually alam ko malaki yung shirt kay jigs, kaya medyo niliitan na lang kapatid ko.
ang kulit ko pa kasi hindi ako makadecide sa sizes. buti talaga ay kasya sa amin.
sorry at nawala sa isip yung sa attire namin.
thanks again digigifts, sa sobrang tuliro ko, hindi ko natanong kung sino yung ka-text ko...pero ang bait niya kahit makulit na ako.:)
Nakita ko talaga na nag-enjoy si jigs sa party niya. Nung nasawarto na kami, lumapit siya sa daddy niya, niyakap niya at nag sabi siya “thank you sa party ko daddy”….:)